whining.contemplating.insights.

8 01 2009

December 24, 2008

I’m having a hard time lately…trying to surpass expectations plus me bringing more pressure to myself to please everyone..it is really tiring.hay..

Let’s lighten up the mood.

I read an except from one of the Bob Ong books called “Stainless Longganisa”.  I’ve read it before back in the Philippines.  It is one of his serious books and it still talks about “real reel” life. It is nice to read all of his books….it’s funny yet it slices you up into pieces because it talks about the TRUTH and for crying out loud..the truth hurts.

Okay..here are some of his “funny but true” quotes

“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

This are one of the sad realities when people fall out of love, or they have to go on their separate ways..sometimes they have to search the whole world to look for that person that they left behind…sometimes, they will be lucky enough to find him/her again..sadly some don’t,and they will regret that day they said goodbye.

“Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

Tama naman si Bob Ong di ba? Bakit ka nga naman mahuhulog sa tao na biglang darating sa buhay mo habang may taong nagmamahal at mahal ka na…di kaya’t may hinahanap ka sa relasyon nyo na yung bagong tao lang ang nakakapagbigay? Mahal mo nga ba talaga yung tao na yun or natutuwa ka lang sa bagong umeeksena sa harapan mo? Minsan mahirap isipin, mahirap malaman not unless isa sa kanila ang mawala, dun mo lang malalaman kung sino talaga ang mas matimbang. Minsan huli na dahil yung umalis pala ang tunay na mahal mo..sa mga bagay na ito, dapat matalino kang magdesisyon..pero sabi nga walang panalo sa pag ibig kundi yung mga taong nagmahal ng tunay at lubos.

Susundin mo ba si Bob Ong? Ako..OO..hehehe..Kasi tama sya..kung mahal mo ang isang tao, kahit magcircus pa sa harap mo ang sinuman para makuha ang atensyon mo, di mo sila papansinin, bagkus ikaw ay titingin lang ng diretso sa taong mahal mo at alam mo na nandyan para syo.BOW.

Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba. Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang. At huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.

Dagdag lang to dun sa huling quote nya…Bawal ang sigurista sa pag-ibig..mahirap..baka ikaw pa ang mawalan sa huli kung maniniguro ka sa dalawang tao… minsan masarap maging tulad ng kabayo, direcho lang ang tingin dahil sa tapa-oho..straight ahead!Yala ru!

Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.

Hahaha..ito yung quote ng mga umaasa..parang “mahal kita, mahal mo s’ya at mahal nya ay iba”..kamote…gulo nun.umikot na yung pag-ibig..may sense naman yung sinabi ni Bob Ong..pansinin mo naman yung hagdan, wag lang pag may sunog..hehehe

Huwag magmadali sa lalaki o babae. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.

Minsan masarap makinig sa magulang, kasi most of the time tama sila, but not all the time..may mga panahong tayo mismo ang dapat magdesisyon sa sarili natin at hindi na natin kailangan ang opinyon nila, pero sa parteng ito, tama sila…at if you will listen to your parents, sigurado ako tama ang daang dinadaanan mo dahil walang matinong magulang na naghangad ng kapahamakan ng kanyang anak..bow.

Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka

May dapat pa ba akong idagdag sa quote na to? It’s a universal problem,sabi nga ni ayie…mahirap magsalita, dahil lahat tayo nahulog na sa imburnal na to…

lastly:

Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

hehehe…talk about healthy flirting..wag lang sobra…

Carpe diem! Ciao

//balbin.balbon.


Actions

Information

Leave a comment